Mahigpit ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga miyembro ng gabinete na iwasan ang pangangampanya sa mga partikular na kandidato para sa May, 2019 elections.
Sinabi ng pangulo na ayaw rin niyang magamit ang pasiladad ng pamahaan sa anunang uri ng political activities kahit na para sa mga sinusuportahan niyang kandidato sa nalalapit na eleksyon.
Ipinagbabawal rin niya ang paggamit sa mga sasakyan ng pamahalaan sa pangangampanya
Nauna dito ay nagbigay rin ng paalala ang pangulo sa mga pulis at sundalo na dumistansya sa pulitika at tumutok lamang sa kanilang trabaho na tiyaking magiging maayos ang panahon ng halalan.
Sa kanyang personal na kapasidad ay ikakampanya ng pangulo ang kanyang mga sinusuportahang kandidato pero hindi umano nya gagamitin dito ang anumang pondo mula sa kanyang tanggapan.
Ang pagbibigay ng suporta sa ilang kandidato ay paraan umano niya ng pagtanaw ng utang na loob lalo na sa mga taong tumulong sa kanya na manalo sa 2016 presidential election.