Sapilitang pagpapabakuna sa mga bata pinag-aaralan ng DOH

Inquirer file photo

Bubuhayin ng Department of Health ang mandatory immunization program para sa kabataan.

Ipinaliwanag ni Health Sec. Francisco Duque na nauna na itong ginawa noong pangulo pa ng bansa si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa nasabing mga panahon ay bumaba ang insidente ng ilang mga sakit na pwedeng maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng tigdas.

Sa ilalim ng program, sinabi ni Duque na mandatory sa mga mag-aaral na papasok sa preschool at elementarya na dapat ay kumpleto na sila sa kinakailangang mga bakuna.

Isa ito sa nakikitang paraan ng DOH para hindi na maulit ang measles outbreak sa bansa na nagresulta na rin sa kamatayan ng ilang mga kabataan.

Nauna nang sinabi ni Duque na may tigdas outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon gayun rin sa Central at Western Visayas.

Ito umano ay resulta ng pagtanggi ng ilang mga magulang na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.

Ikinusidera na rin ng DOH ang house-to-house vaccination program para makaiwas ang ilang mga kabataan sa ilang uri ng sakit.

Read more...