PAGASA: Walang sama ng panahon sa bansa sa susunod na 2-3 araw

Walang sama ng panahon ang nakikitang mamumuo sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, northeast monsoon o Amihan lamang ang umiiral sa bansa partikular sa extreme northern Luzon.

Ngayong araw, dahil sa Amihan makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, maliban sa Palawan ay maaliwalas ang panahon at mababa ang tyansa ng pag-ulan.

Sa Palawan, Visayas at Mindanao ay maalisangan din naman ang panahon ngunit may posibilidad ng mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulot at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Magandang balita naman sa mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa.

Read more...