Ito ay sa gitna ng pinalalakas na tourism campaign para maitaguyod ang tourist destinations sa bansa.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kumpyansa ang gobyerno na maaabot ang target ngayong taon.
Giit ng opisyal, noon ngang 2018 na isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan ay naabot pa rin ang target.
Sa mga susunod na linggo ay muling pasisinayaan ng Department of Tourism ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ campaign na ngayon ay itataguyod na rin ang sustainable tourism.
Ani Nograles, tiwala ang gobyerno na uusad ang kampanya dahil sa pagsusumikap ng gobyerno na mapaganda pa ang mga kasalukuyang tourist sites tulad ng Boracay.
Malaking tulong din anya ang ginagawa ng gobyerno sa mga imprasktura para sa sistema ng transportasyon sa bansa.