Duterte umapela ng reporma sa Simbahang Katolika

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng reporma sa Simbahang Katolika matapos aminin ni Pope Francis na inabuso ng mga pari at obispo ang mga madre.

Ayon sa Santo Papa, alam niya ang pag-abuso ng mga clerics sa mga madre at dapat na may gawin ang simbahan para matapos ito.

Sa kanyang talumpati sa Albay, sinabi ng Pangulo na kailangang magkaroon ng pagbabago sa simbahan.

Binanggit ng Pangulo kung paano siya minolestya umano ng isang Amerikanong pari noong siya ay bata pa.

Kinuwestyon din ni Duterte ang mga doktrina ng Simbahang Katolika, tinawag na “stupid” ang Diyos at itinuring na ipokrito ang mga pari.

Una nang itinanggi ng Malakanyang na galit ang Pangulo sa Simbahang Katolika bilang institusyon kundi sa imoral na gawain lamang ng mga pari at obispo.

Read more...