Backpack, bawal na sa mga mosque sa Davao City

Nagpatupad na ng “no backpack policy” sa mga mosque sa Davao City bunsod ng pagsabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga City.

Ito ay matapos na magdesisyon ang mga Imam sa lungsod na ipatupad ang maximum security sa lahat ng mosque.

Dahil dito ay bawal ng magdala ng backpack, malalaking plastic at kahon sa loob ng mosque.

Bawal na rin ang pagtulog sa gusali at accommodation ng mga bisita sa komunidad.

Habang magkakaroon ng profiling sa mga kahina-hinalang tao.

Nakipag-ugnayan na si Task Force Davao Commander Nolasco Mempin sa mga Imam kaugnay ng pagpapatupad ng polisiya.

Una rito ay ipinagbawal na rin ni Davao City Mayor Sara Duterte ang backpack sa mga simbahan at lugar ng pagsamba.

Read more...