Mt. Kanlaon sa Negros, nagbuga ng abo

Mt Kanlaon
Mula sa www.phivolcs.dost.gov.ph

Nagbuga ng abo ngayong gabi lamang ang Mt. Kanlaon sa isla ng Negros .

Sa advisory mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang minor ash eruption dakong alas 9:55 ng gabi at tumagal lamang ng walong minuto.

Umabot ang ash plume sa taas na 4,921 ft o 1,500 meters.

Narinig ang pagdagundong ng naturang bulkan sa kalapit na Barangay Mananawin at Sitio Upper Pantao,  Negros Oriental.

Patungo ang ash plume sa timog-kanlurang direksyon ng Negros, batay sa abiso ng PhiVolcs.

Ang Mt. Kanlaon, ay matatagpuan sa Negros Island sa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental.

May taas itong 2,435 meters.

Simula 1884, nakapagtala na ito ng 26 na pagsabog.

Ang pinakahuling pagsabog nito ay noong June 3, 2006.

 

 

Read more...