Alamin kung ano nga ba ang “Hoarding Mentality”

brendaMadalas ka bang mag-tabi ng kung anu-anong bagay kahit hindi naman mahalaga?

Nakakaramdam ka ba ng matinding pangangailangan na magkaroon ng isang bagay dahil takot kang maubusan?

Naku, baka isa ka nang hoarder o taong may hoarding mentality! Pero, ano nga ba ang hoarding mentality?

Pero bago natin talakayin ang hoarder mentality, intindihin muna natin kung ano ba ang pinagmumulan nito o iyong tinatawag na Obsessive Compulsive Disorder o OCD.

Ang mga taong may obsessive-compulsive disorder o OCD, ay posibleng magkaroon ng matinding kagustuhan o pangangailangan gumawa ng isang bagay na nagiging kawalan mo ng kontrol.

Ganito kasi yan, ang obsession ay ang madalas na pag-aalala sa isang bagay, habang ang compulsion ay ang labis na pagkagustong kontrolin ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay. Kapag ang dalawang ito ay hindi mo makontrol, ibig sabihin mayroon kang obsessive compulsive disorder.

Isang halimbawa dito ang pagiging stressed sa tuwing nakikita mong magulo ang sapin sa iyong kama na ilang beses mong inayos para walang gusot, o kaya ang pagsuklay sa iyong buhok ng sampung beses at hindi na hihigit pa doon.

At isa na nga sa mga bunga ng OCD ay ang pagkakaroon ng hoarding mentality, kung saan kadalasan naman ay nagkakaroon ng matinding pakiramdam ng pagnanais na bumili, magkaroon o magtabi at magtago ng mga bagay ang isang tao kahit hindi naman kailangan.

Ayon sa International OCD Foundation, tinatayang isa sa bawat limampung taong may ocd ang nagiging severe hoarders.

Paano mo nga ba malalaman kung mayroon kang hoarding mentality? Ayon sa Mayo Clinic, narito ang ilan sa mga generally recognized na sintomas ng pagiging hoarder:

1. Pagkakaroon ng magulong tirahan. Ito ay dahil sa dami ng mga iniimbak na gamit.

2. Hirap sa pagtatapon o pagdidispatsa ng mga bagay. Kadalasan, pakiramdam ng mga hoarders, lahat ng bagay ay importante at maaari pang magamit kahit hindi naman na o kaya ay patapon na.

3. Naglilipat ng mga gamit, pero hindi nagbabawas. Subukan man nilang ayusin ang mga gamit nila, hindi pa rin sila magtatapon ng kahit ano.

4. Hirap sa pagma-manage ng daily activities, laging naghahabol ng mga gawain at hirap mag-desisyon. Dahil sa mga ‘obsessions’ ng mga hoarders, nahihirapan na silang mag-isip ng tama at kinakain na ng kanilang compulsions ang oras na dapat ay ginugugol nila sa mas makabuluhang paraan.

5. Labis na pagiging attached sa mga pag-aari at labag sa loob na pagtapon sa mga ito, kahit ang pagpapahiram nito sa iba. May ibang hoarders na pinapangalanan pa ang kanilang mga pag-aari, mayroon naman na tila lahat na lang ng bagay ay may sentimental value kahit basura na. Dahil dito, hirap silang mag-let go sa mga ito kahit kailangan nang itapon.

6. Limitado o walang social interactions. Masyadong nakatuon ang pansin ng mga hoarders sa kanilang mga pag-aari, kaya madalas ay nalilimitahan na ang kanilang social life. Minsan ay nilalayuan na rin sila ng mga kaibigan nila at mahal sa buhay dahil hindi na nila ma-kontrol ang ganitong pag-uugali.

Nakaka-relate ka ba masyado? Baka oras na para humingi ka ng payo sa mga espesyalista para matulungan kang kontrolin ito.

Isa sa mga makabuluhang pagpigil o pagkontrol sa hoarding ay ang pagkakatuto ng hoarder na bitiwan na ang mga pag-aari.

Kung marami kang sobrang bags, sapatos, damit, laruan o libro, maaari mo itong i-donate, o kaya ibenta para mapagkakitaan!

Nabawasan na ang iyong mga tambak, nakatulong ka pa sa iba at sa sarili mo, ‘di ba?

Tandaan na ang mga ito sinabi ay gabay lamang para malaman mo kung oras na ba para humingi na ng tulong sa mga eksperto, dahil di hamak na sila ang mas makatutulong sayo para solusyunan ang problema mo.

Read more...