Sa kanyang talumpati sa Legazpi City, Albay, sinabi ng Pangulo na sinumang pulitiko ay sakop ng anyay Alunan Doctrine na naglilimita sa bilang ng bodyguard at baril ng kandidato.
Walang sinuman na pulitiko anya ang pwedeng gumamit ng long firearms.
Ang doktrina na binanggit ng Pangulo ay mula kay dating Interior Sec. Rafael Alunan III.
Sa ilalim nito ay ikinukunsidera ang dalawa o higit pang armas bilang private army na dapat buwagin ng gobyerno.
Layon din nito na marekober ang loose firearms sa buong bansa.
Samantala, sinabihan ng Pangulo ang mga rebelde na kung gusto nilang magpatuloy ang peace talks sa gobyerno ay dapat na hindi nila guluhin ang eleksyon.
Inutusan naman ni Duterte ang kanyang gabinete na huwag mag-endorso o mangampanya para sa sinumang kandidato.