LTO Central Visayas, pinakukuha na sa motorcyle owners ang kanilang plate numbers

Nagpaalala ang Land Transportation Office sa Central Visayas (LTO-7) sa mga may-ari ng sasakyan na kunin ang kanilang plate numbers.

Ayon kay LTO-7 Regional Director Victor Caindec, ilalabas ang 52,120 na plaka sa mga motorsiklo na nakapagparehistro mula March 2017 hanggang May 2018.

Nagsimula ang distribusyon ng mga plaka Biyernes February 9 at tatagal hanggang February 16 mula 10:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Ani Caindec, kailangan lang iprisinta ang kanilang orihinal na resibo, certificate of registration at photocopy ng dalawang government o valid IDs.

Maaari naman aniyang magpadala ng representative ngunit kinakailangan magpakita ng authorization letter mula sa may-ari.

Posibleng tumagal ng 10 hanggang 15 minuto ang proseso depende sa dami ng tao.

Sa ngayon, hinihiwalay na ng mga LTO personnel ang mga plaka kada car dealer para sa mas mabilis na proseso.

Read more...