1 mananaya, wagi ng P8.9M Megalotto jackpot

Isang mananaya ang mapalad na nanalo ng Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P8.9 milyon sa draw Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng maswerteng bettor ang winning numbers 30,16,25,26,31,10.

Samantala, walang nanalo sa draw ng Ultra Lotto 6/58 jackpot P49,500,000.

Ang winning combination ay 21,28,57,39,19,20.

Read more...