10 patay sa sunog sa Rio de Janeiro soccer club

Credit: MSN.com

Natupok ang training center at lodging house ng Rio de Janeiro soccer club na ikinasawi ng 10 katao kabilang ang ilang kabataan.

Habang tatlong kabataan na may edad 14 anyos at 15 anyos ang nasugatan sa sunog at isa sa mga ito ay kritikal ang kundisyon.

Nasunog ang Ninho do Urubu, isang state of the art training center.

Ilang katao ang nakaligtas pero dahil sa laki ng apoy ay nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar.

Ayon sa isang manlalaro, nasunog ang air conditioning unit sa kanyang kwarto kaya agad siyang tumakbo palabas.

Naiulat sa isang pahayagan na ang gusali ay walang kaukulang permit.

Read more...