Sa pagdalo sa isang pagtitipon sa Lipa, Batangas sinabi ni Enrile na kailangang ayusin ang sistema ng edukasyon ng bansa sa loob ng mahabang panahon.
Dapat aniyang pinagtitibay ang mga polisiya para maisulong ang pagpapaunlad ng edukasyon.
Dahil dito, inihayag ni Enrile na ito ang dahilan kaya pabor siya sa parliamentary form of government.
Kailangan aniya ng mas mahabang taon ng mga opisyal para matutukan ang magiging pagbabago sa iba’t ibang sektor ng bansa kabilang ang edukasyon.
Aniya, ang ilang mauunlad na bansa sa Asya at Europa ay nagpapatupad ng nasabing uri ng gobyerno kung kaya’t napagpapatuloy ang aksyon ng pamahalaan sa mga programa nito.
Ayon pa sa dating senador, pinagtuunan niya ng pansin sa nakalipas na tatlong taon na pag-aralan ang hindi mabisang pag-unlad ng bansa.
Tumatakbo si Enrile sa pagka-senador sa darating na 2019 midterm elections.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Enrile: