PNoy, pinalagan ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng Dengvaxia

Pinasinungalingan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang resulta ng joint panel investigation ng Kongreso.

Ito ay bunsod ng pagrekomenda na magsampa ng kaso laban sa kanya hinggil sa maanomalyang Dengvaxia vaccine.

Sa inilabas na pahayag sa Facebook, muling ipinunto ni Aquino na walang tumutol bago, sa kasagsagan at matapos ang pag-apruba ng kanyang administrasyon na gamitin ang bakuna.

Kasamang pinakakasuhan ng House joint panel sina dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janette Garin at iba pa dahil sa pagbili ng Dengvaxia para sa anti-dengue immunization program ng gobyerno.

Batay sa committee report, lumabas na lumabag si Aquino at mga dating opisyal ng gobyerno sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ngunit giit ni Aquino, pinulitika na ang isyu sa Dengvaxia kung kaya’t nagresulta ito ng kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuna.

Read more...