Umano’y fixer ng driver’s license, arestado sa Davao City

Arestado ang isang umano’y fixer sa Land Transportation Office (LTO) sa entrapment operation ng San Pedro Police sa Davao City.

Ayon sa pulisya, nagpasaklolo ang 23 anyos na si Jay Paul Bautista na hiningan ng pera ng fixer kapalit ng driver’s license.

Noong Hunyo 2018 ay pina-proseso ni Bautista ang kanyang lisensya sa fixer na binayaran niya ng P7,000 pero wala pa rin ito hanggang ngayon.

Pero depensa ng suspek na hindi pinangalanan, naproseso naman niya ang driver’s license ni Bautista pero pupunta pa siya sa Tandag, Surigao del Sur para doon ayusin ang papeles dahil maluwag umano ang LTO sa Caraga region.

Pero napag-alaman na bukod kay Bautista ay nasa 87 na tao pa ang gagawan ng suspek ng driver’s license.

Read more...