Pangulong Duterte muling binuksan ang posibilidad na makipag-usap ang pamahalaan sa CPP

Muling binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na maibalik ang peace negotiations sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa kaniyang talumpati sa Peace and Order Summit para sa mga barangay official sa Legazpi City, Albay nagbigay ang pangulo ng ilang kondisyon para rito.

Aniya, dapat itigil na ng mga rebelde ang pangingikil ng pera at paghingi ng buwis.

Hindi ito ang unang beses na umapela ang Punong Ehekutibo sa mga komunistang rebelde na itigil ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

Kasunod nito, inihayag ni Duterte na handa ang gobyerno na ibalik ang peace talks kasama ang mga komunista.

Tiniyak pa nito na handa siyang gumastos para sa peace talks.

Matatandaang nahinto ang peace talks matapos pirmahan ng pangulo ang Proclamation No. 360 noong November 2017.

Read more...