P3.8T national budget niratipikahan na ng Kamara

Matapos ang ilang buwang diskusyon sa mga pagdinig, niratipikahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P3.8 trillion na 2019 national budget.

Niratipikahan ng mga miyembro ng Kamara ang pambansang pondo sa pamamagitan ng viva voce voting.

Naging mabilis ang pagratipika sa pondo ilang oras matapos aprubahan ito ng bicameral conference committee.

Ilang buwan na-delay ang pagpapasa ng 2019 budget dahil sa mga isyu ng umano’y budget insertion.

Read more...