Arestado ang dalawang part-time models at isang event organizer matapos makuhanan ng party drugs sa Quezon City.
Isinagawan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa isang condominium unit sa Tomas Morato, umaga ng Biyernes (Feb. 8).
Kinilala ang mga nadakip na sina Billy Joel Kakilala at Ronnie Toribio kapwa part-time models at si Abby Forteza Oban na isa namang event organizer.
Nakuha sa kanila ang tinatayang P820,000 na halaga ng party drugs.
Ayon sa PDEA, kabilang sa mga nakumpiska ang 100 tableta ng ecstasy, 750 mililiters ng liquid ecstasy, isang gramo ng hinihinalang cocaine, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Dinala sa national headquarters ng PDEA ang mga naaresto habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanila.