MRT-3 nakatanggap ng bomb threat kaya naghigpit sa seguridad

MRT3-DOTr Photo

Kinumpirma ng pamunuan ng Metro Rail Transit – 3 na may natanggap silang bomb threat bago pa man ang pagpapasabog na naganap sa Jolo, Sulu.

Ito ang dahilan kaya nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa MRT-3 kabilang na ang pagbabawal sa mga liquid items.

Ayon sa pahayag ng MRT-3 ang bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng e-mail at natanggap nila noong January 3.

Agad umanong ipinagbigay-alam ito sa mga otoridad at sa ngayon, inaalam na ng PNP-CIDG ang pinagmulan ng e-mail.

Ayon sa MRT-3 ayaw nilang ma-kompromiso ang seguridad ng mga pasahero kaya kailangang maghigpit sa seguridad.

Sinabi naman ng MRT-3 na aalisin din nila ang ban sa liquid items sa sandaling irekomenda ng Philippine National Police.

Read more...