Ito ay base sa final/unofficial results ng ginagap na plebisito sa North Cotabato.
Ang resulta ng canvassing ng municipal plebiscite ay dadalhin sa Maynila ngayong araw para bilangin ng National Plebiscite Board of Canvassers na siya namang opisyal na magdedeklara ng resulta.
Ayon kay Atty. Naguib Sinarimbo, secretary general ng United Bangsamoro Justice Party, na political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang resulta ng plebisito sa North Cotabato ay landslide victory pabor sa BARMM.
Base sa resulta, mula sa municipal Plebiscite Board of Canvassers 22 barangay sa bayan ng Pikit ang magiging bahagi ng BARMM; 13 barangay sa Midsayap; 12 sa Pigcawayan; 7 sa Carmen; 7 sa Kabacan; at 3 sa Aleosan.
Ang Cotabato City ay bumoto rin pabor para sa inclusion sa BARMM.
Ang apat na mga barangay na hindi mapapasama sa BARMM ay ang Galidan sa Tulunan, Balatican sa Pikit at ang Pagangan at Lower Mingading sa Aleosan.