Kampo ni Diokno nag-alok ng bilyun-bilyong piso para itigil ang imbestigasyon sa kinukwestyong budget – Andaya

Inquirer File Photo

Ibinunyag ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr na inalok sila ng bilyun-bilyong pisong halaga upang manahimik sa kinukwestyong budget.

Sa pagdinig ng komite ni Andaya, sinabi nito na may lumapit sa kanya na isang kaibigan nila ni Diokno at inalok siya ng P40 billion.

Kukunin aniya ang pera sa savings noong 2018.

Ang nasabing halaga aniya ay para sa lahat ng kongresista upang huwag nang kalkalin pa ang budget.

Paliwanag ni Andaya, ito ang dahilan kung bakit nila hinihingi ang mga dokumentong may kinalaman sa 2017 at 2018 budget.

Sinabi pa ni Andaya na noong taong 2017 ay mayroong savings na P209 billion at P97 billion noong 2018.

Ang nasabing halaga aniya ay inilagay sa bangko.

Read more...