Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong Pebrero

May pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Meralco, may pagtaas na P0.57 kada kilowatt hour at mararamdaman ito sa February bill ng mga consumer.

Tumaas ng halos piso ang generation charge pero ayon sa Meralco, bumaba naman ang ilang charges kaya 57 centavos per kilowatt hour lang ang magiging pagtaas.

Ayon sa Meralco, dahil sa nasabing dagdag singil, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay may dagdag na P114 sa kanilang bill.

Dagdag na P171 kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan.

Kung kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan naman ang konsumo ay P228 ang dagdag sa February bill.

At para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan ay P285 ang dagdag.

Read more...