Amihan umiiral muli sa extreme Northern Luzon

Umiihip nang muli ang Amihan partikular sa extreme northern Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, inaasahang lalawak pa ang naaabot ng Amihan sa mga susunod na araw.

Ngayong araw, bagaman maaliwalas ang panahon, may posibilidad ng pulo-pulong mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan group of Islands.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga isolated thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Bagaman walang nakataas na gale warning ay magiging maalon sa northern seaboards ng northern Luzon.

Read more...