Botong “No” sa BOL plebiscite, panalo sa 13 bayan sa Lanao del Norte

Labing-tatlong bayan sa Lanao del Norte ang bumotong “No” para sa pagsama ng 6 na bayan sa Bangsamoro.

Nasa siyam na bayan naman ang bumoto ng “Yes” para sa bagong teritoryo batay sa final at unofficial result ng plebisito na inilabas ng Joint Task Force Plebisito.

Sa 14 na bayan kung saan na-canvass na ang plebiscite returns, naitala ang 157,629 na “No” votes laban sa 81,542 “Yes” votes.

Nangangahulugan ito na ang 6 na bayan ay nais na mapasama sa Bangsamoro at sumuporta ang 3 bayan pero ang ibang lugar sa lalawigan ay ayaw na mapabilang sa bagong teritoryo.

Kabilang sa mga bayan na may botong “Yes” ang Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan, Baloi at Tangkal gayundin ang kalapit na Pantao, Ragat, Poona, Piagapo at Salvador.

Nanalo naman ang botong “No” sa Kauswagan, Linamon, Matungao, Bacolod, Baroy, Kapatagan, Kolambogan, Lala, Maigo, Magsaysay, Sultan Naga Dimaporo, Sapad at Tubod.

Ang Lanao del Norte na mayroong 334,356 registered voters ay nagtala ng election turnout na 71.53 percent.

Bahagya namang nadelay ang canvassing dahil matagal na dumating ang election returns mula sa Linamon.

Read more...