Duterte sa mga sundalo: Huwag hayaan ang gobyerno sa kamay ng tradisyunal na pulitiko

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na sa susunod na mag-aaklas sila ay huwag nilang hayaan na mapunta ang gobyerno sa kamay ng mga tradisyunal na pulitiko.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, sinabi ng Pangulo na imbes na tradisyunal na pulitiko ay dapat na “youth leaders” ang magpatakbo sa pamahalaan.

“You’re wasting your time. The next time you do it [mutiny], look for the best 10, 15 na mauutak na bata. Ihulog mo lahat ng politicians, including me,” pahayag ng Pangulo.

Ilang beses nang sinabi ni Duterte na malaya ang militar na patalsikin siya kung hindi na sila kuntento sa kanyang pamumuno.

Matatandaan na huling nagkaroon ng kudeta ay nang lusubin ng Magdalo soldiers kabilang si Senator Antonio Trillanes IV na noo’y Navy officer, ang Oakwood noong 20013 at ang Manila Peninsula hotel noong 2007.

Parehong bigo ang dalawang kudeta na patalsikin sa pwesto si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...