2 bumbero sugatan sa sunog sa Quezon City

12286094_10208528776122813_2096105164_nNasugatan ang dalawang bumbero habang inaapula ang sunog na tumupok sa isang gusali sa barangay San Antonio sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa gusali ng Dexterton Corporation na pag-aari ng isang Samson Ong pasado alas 9:00 ng umaga.

Ayon sa volunteer fire group na text fire, alas 9:11 ng itinaas sa unang alarma ang sunog, alas 9:35 nang itaas sa 2nd alarm at alas 9:54 nang itaas sa 3rd alarm.

Alas 11:40 naman nang maideklarang fire out ang sunog.

Nakilala ang mga nasugatang bumbero na sina FO1 Delfin Bayutang at FO2 Vic De Vera.

Read more...