Marian Rivera, nanganak na

MARIAN DINGDONGIsinilang na ng aktres na si Marian Rivera ang kanilang unang anak ni Dingdong Dantes.

Alas 5:25 ng umaga ng Lunes, November 23 nang isilang ni Marian ang baby girl na si Maria Letizia sa Makati Medical Center via normal delivery.

Kinumpirma ng manager ni Rivera na si Rams David ang nasabing balita sa pamamagitan ng pag-post ng screengrab ng text message sa kaniya ni Dingdong.

“Maria Letizia came out at 5:25 a.m. today. Thank God they are both safe and okay,” ayon sa text message ni Dingdong kay David.

Noong buwan ng Abril o apat na buwan matapos ang kasal nila ni Dingdong, inanunsyo ng showbiz couple ang pagbubuntis ni Marian.

Read more...