Death penalty sa drug possession sa party, tinanggal sa re-approved House bill

Muling inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na unang layong magpataw ng parusang habambuhay na pagkakulong hanggang kamatayan para sa indibidwal na nakuhanan ng droga sa party, social gathering at pulong.

Lumusot ang re-approved bill sa plenary session ng Kamara Huwebes ng hapon.

Binawi ng Kamara ang unang pag-aruba sa ikatlo at pinal na pagbasa ng House Bill 8909 na nakatakda na sanang ire-commit sa Committee on Dangerours Drugs para mabigyan-daan ang amyenda.

Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, nagdesisyon ang Kamara na muling ikunsidera ang pinal na pag-apruba sa bill para maliwanagan ang mga probisyon na tumutukoy sa death penalty.

Sa orihinal na bersyon ng bill, sinuman na mahulihan ng droga sa gitna ng kasiyahan o meeting ay papatawan ng parusang life imprisonment hanggang kamatayan.

Ayon kay Castro, si Speaker Gloria Macapaga-Arroyo ang malinaw na nasa likod na bawiin ang bill dahil sa pagtutol nito sa pagbabalik ng death penalty.

Read more...