Naglabas ang Mandaluyong Traffic Enforcement Division ng traffic scheme para sa Pasa Masid Grand Civic Parade kasabay ng selebrasyon ng 74th Liberation Day ng syudad at ang 25th anniversary nang ito ay maging lungsod na magaganap sa Sabado February 9.
Sa twitter ay inanunsyo na isasara ang Kalentong Street mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang ruta ng parada sa Shaw Boulevard, Bonifacio, A. Luna, Aglipay, Boni Avenue at Maysilo.
Maaaring gumamit ng mga alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.
Ang mga sasakyan na galing sa Aglipay Street papuntang Kalentong/Shaw Boulevard ay pwedeng dumaan sa Lubiran Bridge, kanan sa Bagumbayan, kanan sa P. Sanchez hanggang Shaw Boulevard.
Ang mga sasakyan mula Panaderos papuntang Shaw Boulevard ay pwedeng kumaliwa sa Lubiran Bridge, kanan sa Bagumbayan, kanan sa P. Sanhez at diretso sa Shaw Boulevard.
Ang manggagaling naman ng San Juan papuntang Maynila via Kalentong ay pwedeng kumanan sa Shaw Boulevard, Sevilla Bridge, kaliwa sa Bagumbayan at kaliwa sa Lubiran Bridge.
Mula EDS/Shaw Boulevard papuntang Kalentong ay pwedeng dumiretso sa Sevilla Bridge, kaliwa sa Bagumbayan at kaliwa sa Lubiran Bridge.
Matatandaan na noong World War II, inokupahan ng Japanese Imperial Forces ang Mandaluyong.
Noong 1945, tumulong ang American Liberation Forces sa pagpapalaya ng munisipalidad.
Taong 1994 nang pirmahan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang Republic Act No. 7675 na nag-convert sa Mandaluyong mula munisipalidad sa isang highly urbanized city.