Mangudadatu, pinababasura sa SC ang mga petisyon kontra BOL

Hiniling ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang BOL ang magbibigay-daan sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na magpapalawak sa hurisdiksyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. (ARMM).

Binanggit ni Mangudadatu ang plebisito noong January 21 na anyay nagpapakita ng suporta sa ratipikasyon ng BOL.

Nais ng Gobernador na ibasura ng Supreme Court ang mga petisyon na inihain ng Sulu provincial government sa pangunguna ni Governor Abdusakur Tan II at ng Philippine Constitutional Association (Philconsa).

Co-petitioner ni Mangudadatu ang nakababatang kapatid na si Freddie at kapwa sila pabor sa pahayag ni Solicitor General Jose Calida na ang BOL ay hindi labag sa 1987 Constitution.

Iginiit ng gobernador na pwedeng amyendahan o iatras ng Kongreso ang “Organic Act” matapos itong aprubahan ng mga tao sa pamamagitan ng plebiscite.

Read more...