Rochelle Pangilinan kumasa sa “Switch It Up” challenge kahit buntis

screenshot of Rochelle Pangilinan IG video

Walang nakapigil kay Rochelle Pangilinan sa pagsayaw kahit siya ay buntis.

Pinabilib ni Rochelle ang fans sa kanyang trending na “Switch It Up” dance challenge.

Ibinahagi ng dating Sexbomb dancer ang video ng kanyang pagsayaw kasama ang mga katrabaho sa teleseryeng “Onanay.”

Ayon kay Rochelle, hindi niya mapigilang sumayaw kaya habang naghihintay sa set ay nakatuwaan nilang gawin ang challenge.

Pero bago gawin ay nagpaalam umano si Rochelle sa kanyang doktor at pinayagan naman siyang sumayaw.

Namiss umano ni Rochelle ang pagsayaw kaya hindi raw ito mawawala sa kanyang sistema kahit pa nga malaki na ang kanyang tiyan.

Hindi naman daw siya pinalaking Sexbomb para lang isuko ang pagsasayaw.

 

View this post on Instagram

 

Hindi ko maiwasang hindi sumayaaaaaaw! 😅Sa set ng Onanay,habang naghihintay,nagkatuwaang gawin ang #switchitupchallenge haha! Pero syempre bago ko gawin,nagpaalam muna ako sa OB ko,pinayagan naman nya ko,namiss ko tong gawin! Ang sumayaw!!! Pagpasensyahan n’yo na,hindi namin kabisado ang dance steps hehe #switchitupchallenge #kahitbuntislaban #mayfanskamiperoonanaystaff 😅 #kalokohan #hindiakopinalakingsexbombparasumuko 😂

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on Feb 3, 2019 at 10:17pm PST

Read more...