Duterte, galit sa mabagal na proseso ng land conversion

Presidential photo

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang galit sa cabinet meeting kagabi sa Malakanyang matapos mabatid kung gaano kabagal ang proseso sa land conversion sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Katunayan, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na lumabas ang Pangulo sa Aguinaldo state dining room kung saan ginanap ang cabinet meeting.

Tatlumpong minuto aniya na nanatili ang Pangulo sa kabilang holding room para magpalipas ng galit.

Ikinadismaya aniya ng Pangulo ang katakot takot na requirements na hinihingi sa land conversion habang may nakarating din aniyang ulat sa Presidente hinggil sa mga nakatenggang permit na dalawang taon ng nakabimbin at hindi inaaksiyunan.

Labis aniya ang pagkadismaya ng Chief executive sa polisiyang kapag walang padulas, ay hindi gagalaw ang proseso ng pagbibigay ng permit na aniya’y kagagawan ng mga tulisan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Direktiba ng Presidente, magkaruon ng streamlining sa pagkuha ng permit para sa land conversion at matiyak na magiging madali ang pag-iisyu nito ng walang anomang iregularidad.

May dalawang proposal na aniyang inilalatag sa Pangulo sa pulong kagabi ngunit ito ay humingi ng excuse sa mga miyembro ng gabinete at nagpalipas muna ng galit bago muling bumalik sa cabinet meeting.

Read more...