Naglabas ng pahayag si Robredo matapos ideklara ang measles outbreak sa Metro Manila at ilang rehiyon sa Luzon at Visayas.
Sa kaniyang video message sa YouTube, nanawagan si Robredo na bigyang-pansin sa lalong madaling panahon ang pagpapabakuna para sa kaligtasan ng buong pamilya.
Tiniyak din ng bise presidente na ligtas ang mga bakuna sa naturang sakit.
Wala aniyang dahilan para matakot sa bakuna dahil subok na nang mahabang panahon ang bisa ng bakuna nito.
Hinimok pa ni Robedo ang lahat na dapat magtulungan upang maibalik ang tiwala ng publiko sa tamang pagpapabakuna hindi lamang sa tigdas kundi maging sa iba pang nakahahawang sakit.