16 sugatan sa pamamaril sa isang parke New Orleans

New OrleansLabing anim ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa isang park sa New Orleans, Louisiana.

Ayon kay Police spokesman Tyler Gamble nakarinig na lamang ng malalakas na putok sa Bunny Friend Park na punong-puno ng tao.

Sinabi ni Gamble na umabot sa sampung katao ang isinugod sa University Medical Center gamit ang mga rumespondeng ambulansya. Habang may iba pang nasugatan na dinala din sa pagamutan gamit ang ilang pribadong sasakyan.

Hindi pa alam kung sino ang namaril at kung gaano talaga karami ang bilang ng nasugatan.

Binubuo umano ng dalawang grupo ang mga taong nasa park nang mangyari ang insidente.

Ang isa ay nagtungo doon para sa neighborhood parade, at ang isang grupo naman ay naroon para manood o makisali sa isang video na kinukuhanan sa parke.

Ayon naman sa ilang testigo, aabot sa 500 ang tao sa parke at mayroon silang nakitang dalawang lalaki na namaril.

Read more...