Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ibinigay ng pangulo ang natirang direktiba sa cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Panelo, base sa report ni National Statistician Lisa Bersales, sinabi nito na uumpisahan ng kanilang hanay ang implementasyon ng national ID system sa September 2019 at target ang P6 milyon sa Filipino.
Pero iginiit aniya ni National security adviser secretary Hermogenes Esperon Jr. na kritikal sa seguridad ang national ID system.
Kaya iminungkahi aniya ni Esperon na pangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatupad ng mga hakbang para bigyang-seguridad ang mga data.
Sa ilalim ng national ID system, isang uri ng identification card na lamang ang gagamitin ng mga Filipino para sa lahat ng uri ng transaksyon sa gobyerno.