Sa botong 181 na ‘yes’ at walang pagtutol, nakapasa ang House Bill 8959.
Kapag naging batas, aamyendahan nito ang Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code kung saan ipinagbabawal gamiting pampasahero ang mga pribadong motorsiklo at scooters.
Sa ilalim ng panukala, papayagan na ang ride application gaya ng Angkas o Habal-Habal.
Itinutulak ng mga kongresista na kilalanin ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng motorcycle taxis at ma-regulate ang sistema ng motorcycle for hire gaya nang ginawa sa Grab at iba pang ride hailing app.
Nauna rito, nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema noong Disyembre para patigilin ang operasyon ng Angkas.