Nakasaad sa subpoena na ipinadala ng Kamara kay Diokno, personal nitong pinapadalo ang kalihim upang sagutin ang mga akusasyon may kinalaman sa budget insertions.
Ipinadadala rin sa kalihim ang mga dokumento tungkol sa savings at utilization ng mga taong 2017 at 2018.
Maliban kay Diokno, ipina-subpoena rin ang Chief of Staff ng DBM na si Undersecretary Amenah Pangandaman at iba pang opisyal ng DBM gayundin ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council, at ng CT Leoncio Construction and Trading.
Si Diokno ay kinukuwestyon sa pagsisingit ng multi-bilyong piso sa national budget gayundin ang pagpabor umano sa construction company na pag-aari ng kanyang kamag-anak.