Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na pag-ibayuhin pa ang kampanya ng panahalaan sa bakuna sa mga bata.
Utos ito ng pangulo sa cabinet meeting sa Malakanyang sa gitna ng tumataas na kaso ng pagmatay ng mga bata dahil sa tigdas.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mismong si Duterte na ang humihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ayon kay Panelo, hindi naiwasan ni Duque na magsumbong sa pangulo ang takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa inihasik na takot ni Public Attorneys Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta sa kontrobersiyal na dengue vaccine na Dengvaxia.
Gayunman, sinabi ni Panelo na walang naging sagot si Duterte sa kung dapat papanagutin si Acosta sa low turn out ng vaccine program ng gobyerno gaya ng anti-measles vaccine.
Direktiba lang aniya ng Presidente sa DOH chief, gumawa ng paraan para maalis ang pangamba ng mga tao sa mga vaccine programs ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapa-igting ng kanilang information dissemination.
Pero para kay Panelo, hindi maiaalis na naka-aggravate o nakadagdag sa paglala ng sitwasyon ang pagsasampa ng kaso laban kina doh duque at iba pang personalidad ng DOH.