Isang Abu Sayyaf member, patay sa engkwentro sa Tawi-Tawi

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa nagpapatuloy na bakbakan sa Bongao, Tawi-Tawi.

Kinilala ng Nava Forces-Western Mindanao ang namatay na rebelde na si Shaifful Jalaili.

Nakipagpalitan umano putok ng baril si Jalaili sa mga pulis at sundalo matapos tumakas sa isang checkpooint sa Barangay Lapid.

Natamaan ng mga otoridad si Julaili na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sangkot ang suspek sa mga serye ng pag-kidnap ng ASG sa Sulu partikular sa Tawi-Tawi at Sabah.

Sinabi naman ng militar na mas pinaigting pa ang checkpoint operations para maiwasan ang anumang pag-atake sa lugar.

Read more...