Filipino nurse sa Dubai nanalo ng P1.4M na papremyo sa Dubai Shopping Festival

Raffle wheel sa Dubai Shopping Festival | IG Photo @dsfsocial

Isang Filipino nurse ang maswerteng nanalo ng Dh100,000 o katumbas ng P1.4 million na papremyo mula sa isang mall sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF).

Sa ulat ng Gulf News, nagwagi si Angela Mortos, isang Pinay nurse na naka-base sa Dubai.

Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) na halaga sa kaniyang pamimili.

Pinaikot ni Mortos ang raffle wheel kung saan nakasulat ang halaga ng kaniyang mga mapapanalunan.

Ayon kay Mortos, paglalaanan niya ng kaniyang napanalunan ang pag-aayos ng libingan ng kaniyang magulang na pumanaw 10 taon na ang nakararaan.

Gusto rin ni Mortos na balatuhan ang janitor na nakatalaga sa gusali na kaniyang tinutuluyan sa Dubai dahil sa pagiging mabait nito.

Read more...