Sa inilabas na subpoena ad testificandum, inatasan si Diokno na humarap sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na gagawin bukas, February 8, 2019 alas 10:00 ng umaga.
Sa ilalim naman ng subpoena duces tecum ay inaatasan si Diokno na dalhin sa pagdinig ang records ng savings and utilization para sa Fiscal Year 2017 at 2018.
Ang dalawang subpoena ay nilagdaan nina Committee Chairman Rep. Rolando Andaya Jr. at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Magugunitang ilang ulit nang inimbitahan sa nasabing pagdinig si Diokno pero hindi ito sumisipot.
READ NEXT
Pagpasa ng panukalang batas na magpapalakas sa karapatan ng mga senior citizen ikinatuwa ni Speaker GMA
MOST READ
LATEST STORIES