Ayon kay Guevarra, ginagawa lamang ni Acosta ang kaniyang trabaho at walang layunin na takutin ang publiko hinggil sa iba pang mga bakuna na epektibo naman.
Dagdag pa ni Gueverra magsasagawa naman na ng kampanya ang Department of Health, base na rin sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipaalam sa publiko na ligtas ang bakuna kontra tigdas.
Samantala, sinabi ni Guevarra na inatasan na niya ang mga piskal na humahawak sa mga kasong may kaugnayan sa Dengvaxia na resolbahin na ang mga ito ngayong buwan.
Mayroon ngayong 30 reklamona inihain ng mga pamilya ng mga batang nasawi sa tulong ng PAO na nakabinbin sa DOJ.