Canvassing ng boto para sa BOL plebiscite sa susunod na linggo na muli gagawin

Itinigil muna ang canvassing para sa ikalawang bahagi ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law.

Ito ay matapos walang matanggap na certificate of canvass ang Commission on Elections ngayong araw, Feb. 7.

Dahil dito nagdeklara ang Comelec en nanc na tumatayong National Plebescite Board of Canvassers ng ‘recess’ at nagdesisyon na muli na lang silang magco-convene sa February 11 ng alas 2:00 ng hapon.

Ibig sabihin, sa naturang petsa na lang din mabibilang ang mga boto sa ilang lugar sa Lanao Del Norte at North Cotobato kung mapapasama ba sila sa itatayong Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Samantala, sinabi naman ng COMELEC, na tuloy na sa Sabado, February 9 ang pa-iimprenta ng balota para sa local at national elections.

Read more...