LOOK: Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, nagdiwang ng ika-43 na kaarawan

Photo from Instagram

Nagdiwang ng kaniyang ika-43rd birthday ang frontman lead vocalist ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda ngayong araw, Feb. 7.

Masayang ipinakita ni Chito sa kaniyang mga fans sa social media ang kaniyang larawan sa pre-birthday party kasama ang kaniyang asawa na si Neri Naig na ginawa kahapon, Feb. 6.

Sinurpresa ni Neri si Chito ng isang pre-birthday barbeque party sa secret garden na balak din buksan ni Neri bilang cafe.

Abot langit naman ang pasasalamat ni Chito sa mga biyayang natatanggap nito lalo na sa kaniyang asawa na si Neri at kaniyang anak na si Miggy.

Read more...