Ayon sa UN World Meteorological Organization, ang taong 2018 ang pang-apat sa pinakamainit na taon sa kasaysayan ng mundo.
Ito ay indikasyon na kailangan ng agarang aksyon upang mapigilan ang patuloy na global warming.
Ang 2016 naman ang pinakamainit na taon sa tala.
Sinabi ni WMO Secretary-General Petteri Taalas na patindi ng patindi ang bilis ng pag-init sa nakaraang apat na taon sa kalupaan at karagatan.
Sinabi rin niya na ang pagtaas ng temperatura ay nag-aambag sa bilang ng matinding mga kalamidad tulad ng mga bagyo, tagtuyot at flash floods.
MOST READ
LATEST STORIES