Tricycle driver patay, 2 pasahero sugatan sa aksidente sa Quezon

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang dalawa niyang pasahero sa aksidente na naganap sa General Luna sa Quezon.

Ayon sa Quezon Police, nasawi ang 63 anyos na si Wenifredo Medina, habang sugatan ang mga pasahero niyang sina Jay-R Rodelas at Willie Rejano.

Ito ay makaraang bumangga ang tricycle sa isang paparating na truck sa Barangay San Isidro.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan sa Medina na agad niyang ikinasawi.

Dinala naman sa Gumaca District Hospital ang mga pasahero.

Habang nadakip ang driver ng truck na si Benito Bautista at ngayon ay nakakulong sa General Luna police station.

Read more...