Sa programang Itanong mo kay Manong Johnny sa Radyo Inquirer, sinabi ni Enrile na mainam na nalalaman ng maaga kung sinu-sino ang napupusuan ng taumbayan.
Gayunman, kailangan lang aniyang tiyak na tama ang tanong at kung totoong natanong nga ang mayorya ng mga botante.
Dagdag pa ni Enrile ang totoong survey ay sa mismong araw ng eleksyon kung saan doon malalaman ang totoong resulta ng ginawang pagpili ng mga botante.
Sinabi pa ni Enrile na marami pang pwedeng mangyari at mabago mula sa araw na isinagawa ang isang survey hanggang sa mismong araw ng eleksyon.
Ibig sabihin, maari pang magbago ang isip ng mga tao sa kung sino ang kanilang ihahalal.
Paliwanag pa ni Enrile, bagaman nagbibigay ngdagdag na confidence sa kandidato kapag napapasama ito sa survey ay maari din naman itong magsilbing inspirasyon sa ibang kandidato para magsumikap pa.