Bagyong Marilyn lalo pang bumagal at humina

12186722_889510924492151_6253201191379871520_oLalo pang bumagal ang kilos ng bagyong Marilyn, at nabawasan din ang lakas nito, bagaman nananatiling nasa Typhoon category.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 1,095 kilometer East ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 185 kilometers kada oras. Kumikilos na lamang ito sa bilis na 13 kilometers kada oras sa direksyong northwest.

Bukas ng umaga, inaasahang nasa 1,005 kilometer East ng Tuguegarao City ang bagyo, 1,095 kilometer East ng Calayan Island sa Cagayan sa Miyerkules ng umaga at sa 1,205 kilometer East ng Itbayat, Batanes sa Huwebes ng umaga.

Paakyat na ang direksyon ng bagyong Marilyn kaya hindi na ito inaasahang tatama sa kalupaan.

Read more...