Ayon kay Chief Supt. Rudy Lacadin, Central Luzon regional police director, si Arnel Janoras ay isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Judge Wilfredo nieves ng Bulacan RTC Branch 84 November 11, 2015.
Habang patungo sa korte, tinangka ni Janoras na agawin ang baril ng kaniyang escort kahit siya ay nakaposas. Sa kalagitnaan umano ng agawan ng baril sa pagitan ni Janoras at kaniyang escort at pumutok ang baril at tumama sa baba ng suspek.
Dadalhin sana sa San Jose del Monte City si Janoras para sa inquest proceedings kaugnay sa mga kasong kaniyang kinakaharap nang maganap ang insidente sa bahagi ng Barangay San Pablo sa Malolos City alas 9:20 ng umaga.
Ang isa pang suspek sa pagpatay kay Nieves ay nakakulong sa Bulacan provincial jail sa Malolos at nauna nang naisailalim sa inquest.
Si Nieves ang siyang nagbaba ng hatol sa isa sa mga lider ng tinaguriang Dominguez car theft group noong 2012.
Binaril at napatay si Nieves ng dalawang lalaki habang nasa intersection ng Malolos Industrial Park sa MacArthur Highway, Barangay Tikay.