Plano kasi ng pamahalaan ng Hawaii na itaas sa edad 100 ang legal age o ang edad na papayagang makapanigarilyo sa kanilang lugar.
Sa panukalang batas na inihain ni local Democratic Representative Richard Creagan, sa 2024 target itong ipatupad.
Kapag naipatupad na, ipagbabawal ang pagbebenta ng sigarilyo sa mga edad na mas mababa sa 100.
Sa ngayon maituturing nang mahigpit ang ipinaiiral na batas sa Hawaii laban sa paninigarilyo, pero nais pa ni Creagan na isang emergency room doctor na mas higpitan pa ang btas.
Sa kaniyang panukala, sa susunod na taon, o taong 2020, itataas sa edad 30 ang buying-age ng sigarilyo, edad 40 sa 2021, edad 50 sa 2022, edad 60 sa 2023 at edad 100 sa 2024.